KIDNAP-SLAY | Korte, naglabas ng panibagong commitment order laban sa mga sangkot sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo

Manila, Philippines – Nag-isyu ng panibagong commitment order si Judge Irin Zenaida Buan ng Angeles City RTC 56 para mailipat sa Angeles City District Jail sina Police Superintendent Rafael Dumlao the 3rd, SPO3 Ricky Santa Isabel at Jerry Omlang, pawang sangkot sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.

Kasunod ito ng pagbasura ng hukom sa inihaing apela ng mga akusado na manatili sila sa kinapipiitan dahil sa isyu ng seguridad.

Si Dumlao ay kasalukuyang nasa PNP Custodial Center habang nasa NBI detention facility naman sina Santa Isabel at Omlang.


Ang tatlo ay kasama sa mga pangunahing akusado sa mga kasong kidnapping for ransom with homicide, kidnapping and serious illegal detention at carnapping.

Magugunitang October 18,2016 nang sapilitang kunin ng mga police sa kanyang bahay sa Angeles city si Jee na bahagi daw ng anti-drugs operation at humingi ng 5 milyong pisong ransom ang mga akusado sa pamilya ni Jee.

Ito ay matapos daw nila itong patayin sa loob ng Camp Crame at pagkatapos ay sinunog at tinapon sa inidoro ang abo.

Facebook Comments