Nasa 79 na mga estudyante ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Cameroon Northwest Region.
Ayon kay Louis Marie Begne, tagapagsalita ng Cameroon’s Northwest Government, sapilitang pinasok ng armadong kalalakihan ang Presbyterian Secondary School sa Bamenda.
Maliban sa mga estudyante, dinukot rin ng grupo ang tatlong iba pa kabilang ang school principal.
Itinuro naman ni Regional Governor Adolphe L’afrique ang separatist militias na siyang nasa likod ng pagdukot.
Noong nakaraang taon nang atakehin ng secessionist rebellion ang north-west at south-west region kung saan hiniling ng militias ang pagpapalaya sa dalawang English-speaking regions.
Facebook Comments