KIDNAPPED | Libyan govt., iniimbestigahan na ang motibo ng pagdukot sa 3 Pilipino at isang South Korean – DOLE

Patuloy na nakikipagnegosasyon ng Libyan government para sa pagpapalaya ng tatlong Pilipinong engineers na dinukot noong nakaraang buwan sa isang water project site.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakipag-ugnayan ang Libyan authorities sa ating gobyerno at humingi ng pahintulot para makipagnegosasyon para sa release ng mga OFW.

Ani Bello, iniibestigahan ng Libyan government ang motibo sa likod ng kidnapping.


Nais aniya nilang malaman kung ang kaso ng pagdukot ay maituturing na ‘kidnap for ransom’, o nais ng abductors na makipagpalit o swap ng mga prisoner.

Bukod dito, inaantay din ang pagpapalaya sa pitong Pilipinong seafarers sa Libyan prison.

Dahil dito, hindi na magpapadala ang Pilipinas ng OFWs sa Libya dahil sa security concerns.

Facebook Comments