FHM MUSE | Mariel De Leon, usap-usapan sa kanyang kauna-unahang sexy photo

Manila, Philippines – Talk of the town ngayon si Binibining Pilipinas-International 2017 Mariel De Leon sa kanyang kauna-unahang sexy photo sa online FHM muse para sa buwan ng Agosto.

Bukod kasi sa sexy figure nito, bahagi ng feature ng magazine ang kanyang mga kontrobersiyal na opinyon sa mga usapin sa bansa.

Isa dito ay ang war on drugs ng administrasyon at mga pagsagot niya sa kanyang mga kritiko.


Ayon kay Mariel, bago pa man siya sumali sa kontes ay sanay na siyang magbigay ng kanyang mga pananaw at nirerespeto niya ang mga taong ayaw intindihin ang kaniyang mga sinasabi.

Ikinatuwa naman ng mga fans ang pag-feature kay Mariel dahil talagang sizzling at hot ang mga kuha nito.

Facebook Comments