KIDNEY PROBLEM | US First Lady Melania Trump, isinugod sa ospital

Washington – Isinugod sa ospital si US First Lady Melania Trump dahil sa problema ng kaniyang kidney.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Stephanie Grisham, sumailalim ang first lady sa embolization procedure para magamot ang kaniyang kidney.

Dagdag pa nito na naging matagumpay ang nasabing procedure at walang anumang kumplikasyon.


Mananatili ito ng hanggang isang linggo sa Walter Reed National Military Medical Center sa Washington.

Facebook Comments