Manila, Philippines – Umaasa ngayon ang TV host na si Vice Ganda na tuluyan na siyang gagaling sa kanyang kidney problem.
Nabatid kasi na noong February 2018, sumailalim si Vice sa isang surgical procedure dahil sa kidney stones, na nagdudulot ng matinding abdominal pain sa kanya.
Kahapon, sumailalim si Vice sa ultrasound para malaman kung may mga bato pa ito sa kidney dahil hirap daw talaga kumilos kapag may stent o tubo na nilagay sa kaniyang katawan.
Hiling ngayon ni Vice ang panalangin para sa mabilis niyang paggaling lalo na at mas marami pa daw project ang naka-line up para sa kanya ngayong taon na siguradong tatangkilikin ng kaniyang mga fans.
Facebook Comments