WALANG FOREVER | Hollywood stars Channing Tatum at Jenna Dewan, hiwalay na

Amerika – Hiwalay na ang Hollywood couple na sina Channing Tatum at Jenna Dewan matapos ang siyam na taon na pagsasama bilang mag-asawa.

Sa joint statement nina Channing at Jenna, mananatili daw silang mabuting magulang para sa kanilang only daughter kung saan mahal pa rin daw nila ang isa’t-isa ngunit napagtanto nila na kapwa nais ng “space” upang matahak ang magkaibang direksyon.

Hangad daw nito na irespeto ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya sabay giit na walang ibang kontrobersyal na dahilan sa kanilang paghihiwalay.


Huling namataan na magkasama ang dalawa sa public event ay noong November 2017.

Taong 2006 nang sila ay magkakilala sa “step up” movie hanggang sa nauwi sa kasalan ang love story noong July 2009.

Facebook Comments