Kilabot na holdaper sa Makati, naaresto na

Makati City – Kalaboso ang isang kilabot na holdaper matapos mangholdap sa Yulo Street, corner Osmeña Highway, Makati City.

Nakilala ang suspek na si Ramon Jose Sanchez, 33-anyos at residente ng Rodriguez Street Barangay Bangkal Makati City.

Ayon sa biktimang si Andrea Denisse Mascunana, hindi niya namalayan na sinusundan na pala siya ng suspek.


Dito na aniya siya tinutukan ng baril ng suspek at nagdeklarang hold-up saka mabilis na tumakas ang patungong Osmeña Highway.

Agad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng police community precinct 4 na nagpapatrolya sa lugar dahilan para mahuli si Sanchez.

Facebook Comments