Kilabot na snatcher, arestado sa Maynila

Manila, Philippines – Naaresto na ang kilabot na mandurukot at snatcher sa Maynila na una nang nagnakaw ng mahigit P30,000 cash at cellphone ng isang babaeng estudyante.

Kinilala ang suspek na si Arjene Verzos na nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District station 8 sa tulong ng isang impormante.

Nakita sa bahay ng suspek ang may 70 piraso ng simcard na pinaniniwalaang mula sa mga ninakaw na cellphone at ilang drug paraphernalia.


Ayon kay Supt. Ruben Ramos, hepe ng Sta. Mesa police station, nakuha sa suspek ng isang sachet ng shabu, drug paraphernalia at kutsilyo.

Umamin naman si Verzosa sa ginawang krimen kung saan iginiit niya ang kawalan niya ng pera.

Facebook Comments