Mga gadget at iba pa, nakumpiska sa mga bilanggo sa Quezon City

Quezon City – Nakuhaan ng mga gadget ang mga preso sa ikinasang Oplan Galugad ng Quezon City Police District station 10.

Alas-2 kahapon ng hapon ng simulang halughugin ng mga pulis ang selda sa loob ng istayson.

Sa operasyon, nakumpiska ang mga cellphones, isang laptop, mga pocket Wi-Fi, mga power bank, charger, electronic stove, gunting at ligther.


Ayon kay Police Supt. Christian Dela Cruz, hepe ng QCPD station 10, nakatanggap sila ng tip na may mga kontabandong ipinapasok sa kulungan.

Aniya, magsasagawa sila ng imbestigasyon para mapanagot ang mga presong nakunan ng mga kontrabando.

Bagaman walang mga patalim at drogang nakuha, tiniyak ni Dela Cruz na mas hihigpitan na nila ang mga bisita ng mga preso.

Facebook Comments