Kilalanin ang tinaguriang World’s Ugliest Dog sa North California

104

North California – Kinilalang World’s Ugliest Dog ang 125 pound gentle giant na si Martha sa 29th Annual World’s Ugliest Dog Contest sa North California.

Bukod sa trophy ay napanalunan ni Martha ang cash prize na $1500 at trip to New York para sa kanyang mga media appearances matapos nitong talunin ang 13 iba pang asong sumali sa nasabing kompetisyon.

Sa una palang, paborito na ng North California crowd ang neapolitan mastiff na si Martha dahil sa malungkot nitong mukha.


Ayon sa kanyang handler na si Shirley Zindler, muntik na umano itong mabulag noong siya ay narescue ngunit pagkatapos ng ilang surgery ay naging maayos na ang kanyang paningin.

Layunin ng naturang contest na ipaalam sa mga tao na lahat ng aso ay nangangailangan ng pantay na pagmamahal anuman ang itsura nito.

Facebook Comments