Jeron Teng – balak na ring maging parte ng Gilas Pilipinas

177

Gilas – Target ni Jeron Teng na maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool matapos itong maglaro para sa Chooks-Pilipinas 3 on 3 sa 2017 FIBA 3 on 3 world cup.

Ayon kay Teng, noong nasa France siya, sinabihan na niya sina Kiefer Ravena at Kobe Paras na gusto niyang mapasama sa training.

Una nang napasama ang mga teammate nitong sina Ravena at Paras sa Gilas pool kung saan makakasama nila sina Raymar Jose, ang Fil-German forward na si Christian Standhardinger, mga beteranong sina Kevin Alas at Baser Amer.


Kaya naman nang dumating ito mula sa Nantes, France ay agad itong nakipag-usap kay national team Coach Chot Reyes.

Umaasa si Teng na makakakuha ng positibong sagot mula kay Reyes at makakasama sa training sa darating na Martes.
mn

Facebook Comments