Kilalanin: Arth Bryan Celeste, 22 taong gulang nahalal na mayor ng Alaminos, Pangasinan

3245
Image via Bryan Celeste Official on Facebook

Tinuturing na pinakabatang mayor na naitala sa kasalukuyan si Arth Bryan Celeste, 22 taong gulang, nahalal na mayor sa Alaminos, Pangasinan.

Siya ang pumalit sa kaniyang ama na Alaminos City Mayor na si Arthur Celeste.

Nanungkulan si Arthur bilang mayor ng Alaminos noong 2013 at naging Pangasinan 1st district representative simula 2001 hanggang 2010.

Tumakbo si Arthur bilang gobernador ngunit nabigo siya sa reelectionist na si Governor Amado Espino III.

Si Arth Celeste naman ay nanungkulan na barangay chairperson noong 2018 at naging ex-officio member ng provincial board.

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para pagsilbihan ang ating minamahal na siyudad,” pahayag ni Arth.

Tumakbong mayor si Arth Celeste sa ilalim ng Nacionalista Party na may 22,498 votes.

Nakapagtapos si Arth Celeste ng entrepreneurship degree sa De La Salle University sa Manila.

 

 

Facebook Comments

From Advertisers