Magkapatid, Patay sa Aksidente sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela*- Patay ang dalawang magkapatid makaraang salpukin ng kasalubong na sasakyan ang kanilang motorsiklo sa pambansang lansangan ng Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Walter Nicolas, 20 anyos, binata, at kapatid nitong backrider na si Kyle Mae, 15 anyos, studyante na kapwa residente ng Brgy. Gaddanan, San Mateo, Isabela habang ang supek at driver ng Isuzu truck ay si Wilson Peralta, 57 anyos, empleyado ng LTO, residente naman ng Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Ramon, patungong north direction ang mga biktima na minamaneho ni Walter at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong at lumilikong truck na minamaneho ni Peralta.


Sa tindi ng banggaan, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang dalawang biktima at dinala pa ang mga ito sa pagamutan subalit idineklara din na dead on arrival.

Dinala naman sa Ramon Police Station ang suspek at dalawang behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments