Manila, Philippines – Pinangalanan ni Justice Sec. Menardo Guevarra si Melvin Ramon Buenafe bilang officer in charge ng Bureau of Corrections.
Sa harap ito ng hindi pa pormal na pag-upo ni Nicanor Faeldon bilang bagong hirang na BuCor director.
Aminado naman si Guevarra na isang buwan na ang nakaraan nang hilingin nya sa civil service commission na asikasuhin ang rekomendasyon ni Faeldon sa office of the President bilang bahagi ng ligal na proseso at hanggang ngayon ay wala pang inilalabas ang palasyo na appointment paper ni Faeldon.
October 12 nang i-anunsyo ni Guevarra ang appointment ng Pangulong Duterte kay Faeldon bilang kapalit ni retired General Ronald dela Rosa na naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador sa susunod na taon.
Facebook Comments