KILALANIN: Filipino deaf vlogger, umani ng suporta

76

Maraming netizens ang nagpabatid ng paghanga at suporta sa Pilipinang parte ng deaf community na sumabak na rin sa vlogging.


Nagsimula si Jasmin Ariola sa pag-uupload sa Twitter ng teaser para sa kauna-unahan niyang video.

Sa video, ibinahagi niyang tungkol sa fashion o pananamit ang mga gagawin niyang video, na hangad niyang makatulong sa deaf community.

Sa ngayon, umabot na sa higit 35K likes at 10K shares ang video ni Ariola, na umani ng magagandang reaksyon.

Mayroon din iilan na nagbigay pa ng suggestion para sa vlogging journey ni Jasmin.

Dahil sa nakuhang suporta, gumawa na rin ng YouTube channel si Jasmin, kung saan nai-upload niya na ang pangalawa niyang video na pasasalamat sa mga sumuporta.

Facebook Comments

From Advertisers