Duterte itinangging inoperahan siya sa puso nitong Mayo

Binasag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang katahimikan tungkol sa kumakalat na balitang inoperahan siya sa puso noong Mayo.

Sa panayam ng Sonshine Media Network International nitong Sabado, mariin itong itinanggi ni Duterte.

“Hindi . . . I’m not without . . . may sakit. Pero kung sabihin mo na na-operahan daw ako sa heart . . .”


“If there is something wrong in my heart, it cannot be a heart disease. It could only be that a wayward heart has so many hurts that it ceased to see the right,” dagdag pa ng Presidente.

Ilang linggo matapos ang halalan, naging maugong sa social media na dinala si PRRD sa Cardinal Santos Medical Center matapos hindi magpakita sa publiko. Pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang nasabing isyu. 

Kaugnay ng spekulasyon, inilabas ng Palasyo ang litratong kasama ni Duterte si senator-elect Bong Go habang nagbabasa ng diyaryo bilang ebidensiya na maayos ang kalagayan nito.

Facebook Comments