KILALANIN: Kauna-unahang Pinoy Brigadier General sa Hawaii Army National Guard

Image from Hawaii Defense Department

Gumawa ng kasaysayan ang isang sundalong Filipino-American matapos siyang ma-promote bilang brigadier general ng Hawaii Army National Guard.

Ayon sa ulat ng Honolulu Star-Advertiser, si Col. Roy J. Macaraeg ang kauna-unahang Pilipinong tagapaglitas na nakarating sa ranggong general officer sa naturang militar.

Isinagawa ang seremonya noong Oktubre 10 sa Washington Place, Honolulu, Hawaii.


Taong 1990 nang magpa-enlist si Macaraeg sa HIARNG at tinanghal niya bilang Soldier of the Year noong 1993 dahil sa katangi-tanging nagawa nito para sa bayan.

Mahigit dalawang dekada na siyang naninilbihan sa militar at naitalaga siya noon sa Pentagon sa Estados Unidos, Iraq, Kosovo, at Kuwait.

Ilan sa mga gantimpalang natanggap niya habang nagtratrabaho ay ang mga sumusunod:

  • Legion of Merit (2nd OLC)
  • Meritorious Service Medal (6th OLC)
  • Army Commendation Medal (1st OLC)
  • Army Achievement Medal (1st OLC)
  • Army Reserve Component Achievement Medal (2nd OLC)
  • National Defense Service Medal (1st Bronze Star)
  • Armed Forces Expeditionary Medal
  • Global War on Terrorism Service Medal
  • Global War on Terrorism Expeditionary Medal
  • Humanitarian Service Medal
  • Armed Forces Reserve Medal (M Device)
  • NATO Non-Article 5 Medal (Balkans)
  • Army Identification Staff Badge
  • Air Assault Badge

Nagtapos ng sekondarya si Macaraeg sa Wallace Rider Farrington High School at kursong Bachelor of Science in Psychology sa Hawaii University.

Kumuha din siya ng Master Degree in National Strategy sa National War College.

Pinasalamatan ni Macaraeg ang lahat ng taong naniniwala at humubog sa kaniya.

Facebook Comments