Sobra-sobra ang pagsisisi ngayon ng isang Thai woman matapos na mawalan ng pilik-mata sa kagustuhang magkaroon ng “super model” eyelash extension!
Nitong Biyernes nang magtungo sa hair infinity salon sa Phuket, Thailand si Benyapa Supap at nagpakabit ng “super model” eyelashes sa halagang 1, 500 baht o katumbas ng p2,400.
‘Yun nga lang, sa halip na professional cosmetic glue, fast-drying ang nagamit ng beautician kaya matapos lang ang ilang minuto, hindi narin niya maidilat ang kanyang mga mata.
Mabuti na lang at to the rescue ang isa pang beautician at pinatakan ng glue softening solution ang kanyang pilik-mata.
Sa wakas, nakadilat na siya pero ang ikinalumo niya, wala na rin siyang pilik-mata!
Hindi na rin niya na-refund ang binayad sa parlor.