KILIG OVERLOAD | Pagsurpresa ni Aicelle Santos kay Mark Zambrano, nagpakilig sa netizen

95

Manila, Philippines – Usap–usapan ngayon sa social media ang ginawang pagsorpresa ng singer na si Aicelle Santos sa fiancé nitong si Mark Zambrano.

Sa video post ni Aicelle sa Instagram, kitang–kita ang pagkabigla ni Zambrano ng buksan nito ang pinto ng kanilang bahay at makita ang mukha ng kaniyang kasintahan.

Sandaling, hindi nakapagsalita si Zambrano sa pagkabigla.

Si Aicelle ay nanggaling pa sa London, dahil sa UK tour production ng Miss Saigon, kung saan gumaganap ito bilang Gigi.

Bumaha naman ng kilig sa social media at nagpahayag ng suporta sa magkasintahan ang mga netizen.

Facebook Comments