NAKAIWAS | Stephen Curry ligtas sa multiple car crash sa Oakland

242

Oakland, California – Nakaiwas sa anumang injury si Golden State Warriors point guard Stephen Curry matapos maging biktima ito ng multiple car collision sa Highway 24 malapit sa Oakland, California.

Ayon sa California Highway Patrol dalawang beses nabangga ang Porsche ni Curry nang mawalan ng kontrol ang isang kulay pilak na Lexus at sumagasa sa kotse ng two-time league MVP.

Muling nabangga ang kotse ni Curry matapos namang tamaan ito ng isang Honda Civic habang naghihintay ng tulong.

Dagdag ng mga otoridad posibleng dahil sa sama ng panahon kaya naganap ang aksidente.

Sa NBA…

Tinalo ng Detroit Pistons ang Houston Rockets, 116-111 sa OT; pinadapa naman ng Toronto Raptos ang Washington Wizards, 125-107; ginulat naman ng Cleveland Cavaliers ang Philadelphia 76ers, 121-112 at wagi ang Boston Celtics laban sa Atlanta Hawks, 114-96.

Facebook Comments