“Kill joke” ni FPRRD, posibleng senyales ng “serious personality disorder” ayon sa isang senador

Nababahala si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa paulit-ulit na paghayag ng karahasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pabirong pahayag ni Duterte na patayin ang 15 senador para siguradong makakapasok ang mga pambato ng PDP-Laban sa pagka-senador ngayong 2025 midterm elections.

Ayon kay Pimentel, ang obsession ng isang indibidwal na banggitin ang paksa ng kamatayan o pagpatay sa tuwing magsasalita ay nakakabahalang sintomas ng “personality disorder.”


Magkagayunman, ipinauubaya ng Minority Leader ng Senado sa Department of Justice (DOJ) at sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsilip sa naging pahayag na ito ng dating presidente.

Sinabi ni Pimentel na ang mga nabanggit na ahensya ang nakakaalam kung talagang may nangyaring krimen o wala at kung sakaling walang krimen ay mas mabuting bitawan na ang isyung ito.

Facebook Comments