
Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) na na-hack ang kanilang website at social media pages.
Ito ay matapos sabihin ng isang hacker group na Philippine Cyber Mafia na nagawa nilang i-leak ang ilang datos mula sa poll body.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, negatibo o hindi totoo na na-hack sila batay na rin sa ginawa nilang countercheck at beripikasyon.
Nakipag-ugnayan din daw sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan sinabi rin ng kagawaran na walang nangyaring hacking.
Ayon naman sa cybersecurity advocacy group na Deep Web Konek, kasama umano sa sinasabing nag-leak ang detalye ng overseas Filipino voters, impormasyon ng mga partido politikal at iba pang personal na impormasyon.
Facebook Comments