KILLER ng Magbayaw na Sinaksak sa Carolina, Naga City KILALA NA

222

Kilala na ang suspect sa pananaksak-patay sa magbayaw sa Xone 5, Inarihan River sa Barangay Carolina, Naga City.
Matapos ang ilang araw na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang suspect ay kinilalang isang RONNIE LEO CUYA, edad 28 at residente ng Zone 1, Kilometer 10, Barangay Pacol, Naga City.
Magugunitang 2 katao ang nasaksak-patay nitong nakaraang Pebrero 18, 2018 sa batis-paliguan sa Zone 5, Inarihan, Carolina, Naga City. Kinilala ang mga biktima na sina Eduardo Bartolome, edad 32 at kanyang bayaw na si Emmanuel Perito.
Ayon sa report, natilamsikan umano ng tubig si Cuya nang tumalon sa batis si Bartolome. Nagresulta ito sa mainit na usapan at humantong sa pagkakasaksak sa unang biktima. Nakita umano ito ng bayaw nitong si Perito at sinikap umano nitong sawayin ang suspect subalit pati siya ay inundayan din ng saksak na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Mabilis na tumakas ang suspect pagkatapos ng pangyayari.
Ayon pa sa report, nakakuha ng lead ang mga imbestigador mula sa mga na-identify na nandun mismo nang mangyari ang krimen. Nakumpirma ang identity ni Cuya mula sa impormasyong ibinigay mismo ng kanyang mga kasamahan.
At large pa rin ngayon ang suspect na si RONNIE LEO CUYA.

Facebook Comments