*Cauayan City, Isabela*- Umaabot sa sampung (10) kilo ng karne ng baboy ang nasabat sa San Juan checkpoint ng kapulisan sa Ilagan City, Isabela.
Ayon kay City Agriculturist Moises Alamo, patuloy ang kanilang paghihigpit sa mga checkpoint para matiyak na walang makakapasok na karne ng baboy na posibleng kontaminado ng sakit.
Hinigpitan din ng Lokal na Pamahalaan ang pagbabantay sa mga checkpoint para masigurong walang maipapasok na frozen products na posibleng nagtataglay ng sakit na African Swine Fever.
Sinabi pa ni City Agriculturist Alamo na mahigpit ang kanilang monitoring sa western barangay ng lungsod malapit sa Brgy. Union sa Bayan ng Gamu matapos makapagtala ng kaso ng ASF sa nasabing bayan.
Tuwing ikatlong araw ang pagsasagawa ng disinfectant sa mga backyards ng hograisers para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa mga baboy.
Hinikayat naman nito ang publiko na sumunod pa rin sa mga precautionary measures ng health authority’s para makaiwas ang mga baboy sa nasabing sakit.