Bagsak-presyo sa ₱2 hanggang ₱5 per kilo ang halaga ng kamatis sa Tinoc, Ifugao dahil sa sobra nitong suplay.
Dahil dito, humingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde at magsasaka ng Ifugao dahil itinatapon na lang ang mga kamatis sa gilid ng mga kalsada o sa mga bakanteng lote dahil wala nang bumibili.
Nagsumite na rin ng mungkahi ang lokal na pamahalaan ng Tinoc at Nueva Vizcaya sa isang processing center para gawing tomato sauce at juice, at iba pang produkto ang kanilang mga kamatis.
Ang pagdami ng suplay ng kamatis ay bunsod ng epekto ng community quarantine dahil sa COVID-19 dahil hindi makapagtinda ang mga magsasaka.
Facebook Comments