Makalipas ang isang araw, kaso ng COVID-19 sa QC nadagdagan ng 28

Muling nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Batay sa tala ng QC Health Department 2,404 na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos madagdagan ito ng 28 mula kahapon.

Nabatid na 2,230 ang na-validate District Health Department kung saan batid na ang kanilang lokasyon at kung sila ay residente ng QC.


Sa ngayon, merong 895 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kasunod nito, makalipas ang 24 oras, pito ang nadagdag sa mga gumaling habang walang nadagdag sa bilang ng namatay.

Facebook Comments