Manila, Philippines – Hindi natinag ng masamang panahon ang kilos protesta ng ibat-ibang militanteng grupo upang kundenahin ang ginagawang militarisasyon at pambu-bully ng China.
Nagprotesta ang mga manggagawa na pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Chinese Embassy, upang kondenahin ang Duterte Administration sa umano ay pagbenta ng soberanya ng Pilipinas sa mga dayuhan kapalit ng suporta sa administrasyon na maka anti-manggagawa.
Ang Independence Day protest ay resulta nang kawalang aksyon ng Pangulong Duterte sa harap ng panghihimasok ng Chinese Coast Guard (PCG) sa Scarborough Shoal.
Sinabi ni Elmer Labog ng KMU, ang pananahimik ng Pangulong Duterte sa presensya ng China sa West Philippine Sea ay bahagi ng sabwatan sa Chinese government kaugnay ng Build Build Build Program at kapalit daw nito ang development program para sa trade at economic gayun din sa infrastructure projects.
Kasabay nito, hiniling ng mga militanteng grupo ang pag pull-out ng mga Chinese military forces mula sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippne Sea.
Pagkatapos ng maikling programa sa harap ng Chinese Consulate ay magtutungo naman sa embahada ng Estados Unidos sa lungsod ng Maynila ang grupong KMU.