
Mariing ipinaglaban ng mga miyembro ng grupong Kampuhan ng Mamamayan ng Batangas sa tapat ng House of Representatives sa Pambansang Batasan, Quezon City ngayong lunes, April 13, ang pagbabasura sa excise tax at value-added tax (VAT) sa presyo ng langis sa bansa.
Ito ay sa kilos-protestang isinagawa ng grupo, kasama ang mga mambabatas na sina Leandro Leviste at Antonio Tinio.
Kasama sa ipinaglalaban ng grupo at ng naturang mga mambabatas ang pagbabasura sa excise tax at oil deregulation law.
Maliban diyan, ipinaglalaban din ng grupo ang pangangailangan ng pagbabago sa sistema ng gobyerno at taas-pasahod.
Pakinggan natin ang pahayag ni 1st District Representative Leandro Leviste.
Kabilang sa mga dumalo ay mga taga-Batangas na mangingisda, magsasaka, at kabataan na miyembro ng grupo.










