Kasabay ng paggunita ng International Human Rights Day, isang kilos-protesta ang isinasagawa ngayon sa harapan ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura sa Maynila.
Ipinapanawagan ng mga ito ang hustisya para sa mga biktima ng tinatawag na ‘Bloody Sunday’ massacre na nangyari noon pang 2021.
Hiling din nila na ma-impeach si Vice President Sara Duterte na nahaharap ngayon sa patung-patong na kontrobersiya at dalawang impeachment dahil sa isyu ng confidential funds at banta kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kinakalampag din ng iba’t ibang grupo na mapalaya na ang mga kasamahan nilang nakapiit sa pampulitikal na dahilan.
Kanina, una na ring nagkilos protesta ang iba’t ibang grupo sa iba pang parte ng Maynila kasabay ng International Human Rights Day ngayong December 10.