Roxas City, Capiz – Mahigit kumulang sa dalawang libo ang dumalo sa ginanap na kilos protesta mula sa ibat-ibang grupo sa buong lalawigan ng Capiz kahapon, kasabay ng ika-45 taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa bansa.
Bago ginanap ang rally sa Roxas City Plaza, nagparada muna ang mga militanteng grupo sa mga pangunahing kalsada ng lungsod, ala una ng hapon. Tumagal ng mahigit tatlong oras ang kilos protesta kung saan nagsalita ang mga pinuno ng ibat-ibang grupo.
Ilan sa mga hinaing at sigaw ng mga militanteng grupo ay ang mga sumusunog: Ibasura ang martial law sa marawi, tigilan ang patayan sa war on drugs ng administrasyon, hindi makatarungan na pagbibigay ng P1000 na pondo sa CHR, tigilan ang pag-aabuso sa karapatang pantao, reporma sa lupa at marami pa.
Naglagay din sila ng effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte at binansagan itong diktador. Naging matiwasay naman ang nasabing kilos protesta dahil sa presensya ng mga pulis na nagbantay at nagpanatili ng peace and order sa lugar.
Nanguna sa nasabing kilos protesta ang grupo ng bayan Capiz, Gabriela, Kamaka, Pamalakaya, Kadamay at iba pa.