Kilos protesta kaugnay sa pagkamatay ng 9 na taong gulang sa Batangas, isinagawa sa harap ng Batasan Complex

Inihain ng Gabriela Women’s Party-list ang House Resolution 125 upang imbestigahan ang pagkamatay ng 9 taong gulang na si Kyllene Casao at ang tumitindi umanong militarisasyon sa Timog Katagalugan.

Kasabay nito ay nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng House of Representatives ang mga deligado ng grupo mula sa probinsya ng Batangas at lumahok dito si Gabriela Party-list Represenative Arlene Brosas.

Base sa report, tinamaan umano si Kyllene ng bala ng baril dahil sa sagupaan ng mga tauhan ng 59th Infrantry Batallion ng Philippine Army at mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Batangas kung saan napatay rin ang ama ni Kyllene na si Maximino Digno.


Nananawagan ang grupo ng hustisya ng katarungan para sa mag-ama.

Kinokondena rin ng grupo ang umano’y profiling, house-to-house, harassment at intimidation operations na isinasagawa sa mga komunidad sa Batangas base sa suspetsa na sila ay sumusuporta sa NPA.

Facebook Comments