Kilos protesta laban kay Brazil President Jair Messias Bolsonaro, ikinasa!

29

Nagsagawa ng kilos protesta ang libong mamamayan ng Brazil laban kay Brazil President Jair Messias Bolsonaro.

Ayon sa mga nagpoprotesta, dapat patalsikin sa pwesto si Bolsonaro upang magkaroon ng maayos na aksyon ang pamahalaan laban sa COVID-19.


Ito na ang naitalang pinakamalaking protesta sa bansa na isinagawa sa Sao Paulo, Rio De Janeiro at Brasilla.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 16 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Brazil at 460,000 ang nasawi.

Facebook Comments