Phoenix Suns at Los Angeles Lakers, tabla na; Brooklyn Nets, tinalo naman ang Boston Celtics!

36

Tabla ulit sa 2-2 ang Phoenix Suns laban sa Los Angeles Lakers sa score na100-92, sa Game 4 ng National Basketball Association (NBA) Western Playoffs.

Pinangunahan ni Chris Paul ang Suns sa score na 18 points at 9 assists habang 17 points naman ang ambag ni Jae Crowder.


Samantala, panalo ang Brooklyn Nets kontra Boston Celtics sa score na 141-126, sa Game 4 ng NBA Eastern Playoffs.

Nanguna naman si Kevin Durant ng 42 points na sinundan ni Kyrie Iriving ng 39 points at 11 rebounds.

Sa June 2 ang Game 5 ng Celtics at Nets habang sa June 3 naman ang Game 5 ng Suns at Lakers.

Facebook Comments