KILOS PROTESTA | Manila Police District, nanawagan sa mga militanteng grupo

Manila, Philippines – Nanawagan ang Manila Police District (MPD) sa mga militanteng grupo na payapang magsagawa ng kilos-protesta sa lungsod.

Halos dalawang linggo ito bago ang selebrasyon ng Labor Day sa Mayo a-uno.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, bisperas pa lang ng Labor Day ay maglalatag na sila ng sapat na pwersa para magbigay-seguridad sa mga inaasahang kaliwa at kanang rally lalo na sa tanggapan ng Department of Labor and Employment. (DOLE)


Tiniyak din ng MPD na mahigpit nilang paiiralin ang maximum tolerance at sinigurong hindi magmumula sa hanay ng pulisya ang tensyon laban sa mga demonstrador

Facebook Comments