KILOS PROTESTA | Mga consumers group, sumugod sa mga sangay ng Meralco

Manila, Philippines – Isang simbolikong paghahain ng disconnection notice laban sa Meralco ang sabay-sabay na isinagawa ng mga miyembro ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED).

Sinugod ng electric consumer group ang labing limang sangay ng Meralco upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa mataas na singil sa kuryente.

Ayon kay Gerry Arances, Executive Director ng CEED ang inilunsad na kilos protesta ay dahil sa pagbabalewala ng gobyerno sa panawagan ng masa.


Nakakagalit dahil sa tuwing hindi nakakapagbayad sa takdang oras ang mga power consumer ay agad na puputulan ng kuryente gayong ang Meralco na ilang taon nang hindi tumutupad sa kanilang mandato ay hindi nasisita.

Matantandaan na sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia 85 percent na customer ng Meralco ay dismayado sa presyo at pinagkukuhanan ng elektrisidad.

Facebook Comments