Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda ang kanilang pwersa kaugnay ng ikakasang kaliwat kanang kilos protesta bukas, Araw ng Paggawa.
Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan aabot sa 10,000 mga pulis ang ipakakalat nya sa kalakhang Maynila.
Ito ay upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa gitna nang mga demonstrasyon na isasagawa ng iba’t-ibang grupo ng mga manggawa.
Sinabi pa ni Cascolan na nakipag ugnayan na ang NCRPO sa mga lider ng mga grupo nang sa gayon ay masiguro ang kaayusan sa mga pagkilos bukas.
Inaasahang bukas kabi-kabila ang protesta na isasagawa ng mga manggagawa kasunod narin ng kabiguan umano ng Administrasyong Duterte na matuldukan ang kontraktwalisyon at Endo.
Facebook Comments