Nagsimula na ang kilos protesta ng iba’t ibang grupo kontra sa walang tigil na pagtaas ng presyo sa mga produkto ng petrolyo.
Kinabibilangan ito ng grupong PISTON, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at KADAMAY.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, dapat ng alisin ng gobyerno ang mga ipinapataw na buwis sa petrolyo para bumaba ang presyo nito.
Paliwanag naman ni Elmer Labog ng KMU, kailangan nang kumilos ng mga mambabatas upang matanggal ang oil deregulation law.
Ito raw kasi anila ang pinaka-ugat ng kawalan ng kontrol ng gobyerno sa presyuhan ng petrolyo.
Mula sa PHILCOA, uusad ang protest caravan hanggang España bago didiretso sa Mendiola.
Facebook Comments