Kasado na ang iba’t-ibang kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo kasabay ng paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law.
Sisimulan ang programa mamayang alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
May mga manggagaling din sa iba’t ibang lugar sa kalakhang Maynila bago magtipon-tipon sa lugar.
Gagamitin naman ang social media platform para sa mga hindi makakalahok sa protesta.
Tampok sa protesta ang pagpapahayag ng kasaysayan ng batas-militar sa Pilipinas.
Ang Martial Law ay idineklara noong September 21, 1972 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Facebook Comments