KILOS PROTESTA | Pagdinig ng NFA budget sa Kamara, sinabayan ng protesta

Manila, Philippines – Sinabayan ng protesta ang nakatakdang pagdinig ngayong araw sa budget ng National Food Authority (NFA) sa Kamara.

Iba’t-ibang grupo ang nag-ra-rally ngayon sa south gate ng Batasan Complex para ipapanawagan ang pagbaba sa presyo ng bigas, pagtutol sa rice importation at pagsuporta sa lokal na produksyon ng bigas.

Iginiit dito ni Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao na dapat na itaas ng pamahalaan ang buying price ng local rice sa P20 per kilo mula sa kasalukuyang P17.


Ipinanawagan din ng mambabatas na gamitin ang P7 Billion na pondo para sa buffer stocking program sa pagbili ng palay ng mga lokal na magsasaka sa halip na gamitin na pambili ng imported na bigas.

Dapat aniyang samantalahin ng pamahalaan ang panahon ng masaganang ani sa bansa ngayong mga huling buwan ng taon.

Samantala, sinabi naman nila Gabriela Representative Emmi de Jesus at Arlene Brosas na hindi solusyon ang ginawang pagkain ni Agriculture Secretary Manny Piñol ng binukbok na bigas.

Pinatutunayan lamang anila nito na walang balak ang pamahalaan na hanapan ng kongkretong solusyon ang isyu sa rice shortage at food security sa bansa.

Facebook Comments