KILOS PROTESTA | PISTON, muling mangangalampag mamaya sa LTFRB kaugnay ng isyu ng PUJ phase out

Manila, Philippines – Nagkasa ngayong araw ng kilos protesta ang PISTON o Pinagkaisang Damahan ng Tsuper at Operators Nationwide.

Ayon kay PISTON President George San Mateo, 8:30 ngayong umaga, magtitipon-tipon ang mga drivers at operators ng Public Utility Jeepney (PUJ) sa kanto ng EDSA at Kamias .

Bandang alas diyes ng umaga, magsisimulang magmartsa ang grupo patungo sentrong tanggapan ng LTFRB.


Ito ay bilang pagpapatuloy sa kanilang protesta kontra PUJ phase out at paghahanda na rin ng PISTON at no to jeeney phase out coalition para sa paglahok nila sa malaking rally sa Mayo uno.

Ito ay lalahukan din ng mga manggagawa na ipoprotesta naman ang isyu ng contractualization.

Facebook Comments