KILOS PROTESTA | Rally isasagawa sa Davao kaugnay sa martial law anniversary

Magsasagawa ngayong araw ng isang rally ang mga progresibong grupo sa Davao City kaugnay sa ika-46th na anibersayo sa deklarasyon ng Martial Law sa Pilipinas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa Gabriela Youth, isa sa mga grupo na sasali sa protesta sa Davao, sigaw nila ngayon na kalampagin ang lansangan, labanan ang pasismo at tiraniya.

Idagdag pa ang isinusulong nilang #neveragain #endmartiallaw #stopthekillings.


Samantala, nagpaalala naman ang kapulisan sa Davao sa inaasahang 500 na mga partisipante na dadalo sa rally na sundin ang mga ipinapatupad na mga batas sa lungsod dahil hindi sila magdadalawang isip diumano na arestuhin ang kung sino man ang lalabag sa mga ordinansa.

Kaugnay sa nasabing aktibidad, naka full alert status ang kapulisan at kasundaluhan sa Davao para sa seguridad ng mga mamamayan dito gayundin sa mga rallyista at maging mapayapa ang gagawing protesta.

Facebook Comments