Baguio City – Kasabay ng huling en banc session ng mga mahistrado ng Supreme Court sa Baguio City. muling nagtipon tipon ang mga taga-suporta ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Nag martsa mula sa Burnham lake drive patungong Supreme Court compound ang mga kasapi ng Indigenous people mula sa Cordillera Peoples alliance at Coalition for Justice kasama ang mga militanteng sumusuporta kay Sereno.
Muling sinubukan ng mga raliyista na makalapit sa harap ng gate ng SC subalit bago pa sila makataring ay maaga nang naka-pwesto ang anti-riot police ng Baguio-PNP.
Muling iginiit ng mga demonstrador ang pagbasura sa quo warranto case ni Sereno.
Sinasabing dedesisyunan ang nasabing kaso sa susunod na buwan sa pamamagitan ng isang special en banc session ng Supreme Court justices.