UPDATE | Sunog sa Bacood Sta. Mesa, Manila, naapula na

Manila, Philippines – Wala ng dapat ipangamba ang mga residente ng Bagumbayan Street Bacood Sta. Mesa Manila dahil agad naapula ang sunog alas 10:15 ngayong umaga.

Ayon kay Barangay Chairman Efren Agustin ng Barangay 607 Zone 61 District Bacood Sta. Mesa nagsimula ang sunog sa ika anim na pintuan sa ikalawang palapag ng naturang apartment na pagmamay ari ni Romana Roxas kung saan sinasabing nag over heat ang electric fan nag nasabing apartment.

Nasugatan sa kamay si Fire Volunteer Zedric Garcia ng rumesponde sa sunog na umaabot sa unang alarma at agad naapula ang apoy 10:15 ngayong umaga.


Patuloy na inaalam ng BFP ng Manila kung magkano ang halaga ng ari ariang tinupokng apoy na sinasabing dahilan lamang sa nag over heat na electric fan.



Facebook Comments