7 pulis Maynila, isinasangkot sa reklamong pangingikil

69

Manila, Philippines – Ipinahaharap na sa reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Manila City Prosecutors Office ang pitong pulis-Maynila na isinasangkot sa pangingikil sa mga vendors.

 

Kinilala ang pito na sina: SPO2 Marvin Velasquez, SPO2 Rommel Alfaro, PO3 Leo De Jose, PO3 John-John David, PO2 Romeo Rosino, PO1 Ronnie Boy Alonzo at PO1 James Paul Cruz, pawang nakatalaga sa station 5 ng MPD.

 

Ayon kay MPD Chief Supt. Joel Coronel, bukod sa kasong kriminal nahaharap din ang mga nasabing pulis sa kasong administratibo.

 

Kapag napatunayang nagkasala, maaaring masibak sa serbisyo ang pito at walang matatanggap na benipisyo.



Facebook Comments