Kilusang Mayo Uno naglabas ng sarili nilang bersyon ng matrix

Manila, Philippines – Naglabas ng kanilang sariling bersyon ng matrix ang labor group na Kilusang Mayo Uno o KMU.

Pero sa halip na patungkol sa operasyon ng illegal drugs, mga anti-labor personalities ang itinampok sa matrix ng KMU.

Nasa itaas ng matrix si Pangulong Rodrigo Duterte at nasa ibaba naman niya si President Xi Jinping ng China, ang US, ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP at Labor Department.


Sa isinagawang Saturday Forum sa Quezon City, sinabi ni Lito Estarez, Vice Chairman ng KMU, mas tumindi ang kalagayan ng paggawa dahil sa kawalan ng aksyon ng administrasyong Duterte sa isyu ng contractualization at mababang pasahod.

Naniniwala ang grupo na ang pagpapalutang ng  matrix ay walang ipinagkaiba sa lumabas noon na red October plot.

Ito ay itinaon sa ikinakasa noon na malawakang kilos protesta.

Ngayon na nalalapit na naman ang Mayo Uno, inilabas naman ang matrix ng mga grupo na nagpaplano na pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Duda si Estarez na sinadyang pinalutang ang matrix upang matakot ang mga manggagawa na makibahagi sa ikinakasa na kilos protesta.

Facebook Comments