Kilusang Mayo Uno, nagsagawa ng protesta sa Araw ng Manggagawa kaugnay sa tamang pasahod at pagtanggal ng kontraktwalisasyon

Dumaguete, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta sa Quezon Park, Dumaguete ang Kilusang Mayo Uno.

Ito ay sa paggunita ng grupo sa araw ng mangagawa upang hilingin sa pamahalaan ang tamang pasahod at ang pagtanggal sa kontraktwalisasyon.

Ayon kay Candido Ebroli, pangulo ng Kilusang Mayo Uno, sa interview sa DYWC RMN – ang sektor ng manggagawa at magsasaka ang nakikiisa para sa kanilang hiling na dinggin sana ng administrasyon Duterte. Hiling din ng grupo na matapos na sana ang EJK sa bansa.
DZXL558


Facebook Comments