Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi pa matatanggal sa kanilang mga posisyon ang mga miyembro ng Gabinete na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Matatandaan na kinumpirma ni PACC Commissioner Atty. Manuelito Luna na iniimbestigahan nila sina Labor Secretary Silvestre Bello III, TESDA Director General Isidro Lapeña at National Commission on Indigenous People o NCIP Chairperson Atty. Leonor Quintayao dahil sa issue ng katiwalian.
Sinabi din naman ni Luna na iniimbestigahan nila ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways at Department of Finance.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mas magandang hintayin nalang ang magiging resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon.
Sinabi din ni Panelo na ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dedepende sa bigat ng ebidensiya at kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyon sa mga miyembro ng gabinete.
Tiniyak din ni Panelo na walang sisinuhin si Pangulong Duterte at pananagutin ang lahat kaibigan man, kakampi.