KINALAMPAG | Grupong Gabriela, nag-protesta sa labas ng Camp Crame para palayain ang inarestong NDF consultant kahapon sa Laguna

Manila, Philippines – Kinalampag ng grupong Gabriela ang Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame Quezon City.

Sigaw ng grupo palayain ang mga miyembro at consultant ng National Democratic Front na inaresto kahapon sa Sta. Cruz Laguna.

Iginiit ng mga militante, human rights activists ang mga inaresto at hindi mga miyembro at consultant ng NDF.


Hindi rin daw makokonsinderang terorismo ang pagpapahay ng pagkontra sa pamahalaan.

Dapat aniya silang pakawalan dahil walang kasong isinampa laban sa mga ito.

Kahapon ay inaresto ng mga tauhan ng PNP at AFP ang NDF Consultant na si Adelberto Silva at mga aktibistang sina Ediecel Legaspi, Ireneo Atadero,Hedda De Luna Calderon at driver na si Julio Lusania.

Ang grupo ay ikinokonektang PNP at AFP sa red october ouster plot.

Facebook Comments