KINALAMPAG | Integrated flood management plan para sa buong bansa, iginiit ni Sen. Binay

Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Nancy Binay ang Department of Public Works and Highways o DPWH para magpatupad ng integrated flood management plan para sa buong bansa.

Giit ni Binay, hindi uubra ang magkakahiwalay na proyekto ng DPWH sa bawat bayan para resolbahin ang problema sa baha.

Ipinaliwanag ni Senator Binay na sa hakbang ng DPWH ay lumilipat-lipat lamang ang sitwasyon ng matinding baha sa bawat bayan o lugar.


Inihalimbawa ni Senator Binay ang magkakahiwalay na proyekto sa Metro Manila na binuhusan na ng kabubuang pondo na umaabot sa P500 bilyon pero hindi pa rin nakaresolba sa pagbaha.

Diin ni Binay, dapat maglunsad na ang DPWH ng integrated national flood management plan na maglalatag ng magkaka-ugnay at iisang proyekto sa pagbahang nararanasan sa lahat ng panig ng bansa.

Facebook Comments